5 Safety Tips Sa Byahe Kasama Ang Motorcycle Passenger | Angkas
Safety tips sa byahe kasama ang motorcycle passenger
Ano-ano ang mga safety tips sa byahe kasama ang motorcycle passenger? Tandaan ang mga tuntunin bilang motorcycle rider Ipaliwanag sa passenger ang mga dapat niyang gawin Ihanda ang proper safety equipment I-check ang kabuuan ng motorsiklo Sundin ang speed limit
Bilang isang Angkas rider, importanteng alam mo kung paano ihatid nang ligtas at maayos ang iyong passenger. Maraming mga bagay ang dapat mong tandaan bago, habang, at pagkatapos mo silang maihatid sa kani-kanilang mga drop off locations.
Sa blog na ito, ating aalamin ang mga safety tips sa byahe kasama ang motorcycle passenger upang maiwasan ang anumang aksidente at magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang byahe sa kalsada!
Upang maiwasan ang anumang aksidente at magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang byahe sa kalsada!
Siguraduhing isusuot ng iyong passenger ang mga proper safety equipment na ating ipinapasuot sa kanila bago bumyahe. Huwag kalimutang magbigay ng hand signals sa tuwing ikaw ay magpu-pull over, magda-drive nang mabagal, at iba pa. Ugaliin ding sagutin ang katanungan ng iyong passenger tungkol sa ating app at iba pa na may kinalaman sa Angkas.
Pinapahintulan din namin na tulungan ng aming mga Angkas riders ang passengers sa pagsusuot ng ating mga proper safety equipment tulad ng shower cap at helmet. P’wede n’yong i-post sa internet o hindi, hehe. Advertising yarn.
Ipaliwanag Sa Passenger Ang mga Dapat Niyang Gawin
Abisuhan mo ang iyong passenger na ‘wag sasakay sa iyong motorsiklo hangga’t hindi mo pa naiaangat ang kickstand nito o kung hindi mo pa sinasabi. P’wede ring hawakan ang iyong mga balikat habang nasa biyahe at ipaliwanag sa passenger na ‘wag gagawa ng anumang kilos na makakaapekto sa iyong pagpapatakbo ng motorsiklo.
Ihanda Ang Proper Safety Equipment
Ikaw man ay aming Angkas rider o binabalak na mag-apply, dapat mong malaman na ang kaligtasan mo at ng iyong passenger ay iyong responsibilidad. Importanteng ihanda mo ang mga kailangang isuot bago at pagkatapos mong maihatid ang iyong passenger.
Bago kayo bumiyahe sa gitna ng kalsada, ‘wag kalimutang ihanda ang mga essential equipment upang mapanatiling ligtas ang biyahe. Ihanda ang proper safety equipment. Siguruhin din na ang ginagamit mong motorsiklo ay kayang i-angkas nang maayos at ligtas ang isang passenger.
Oh, ‘di ba? Iba talaga dito sa Angkas. Ligtas to the max ka habang nasa byahe!
I-Check Ang Kabuuan Ng Motorsiklo
Hindi lahat ng motorsiklo ay pwedeng gamitin kaya naman importanteng i-check ang kabuuan nito. Maliban sa pag-review ng manual, operational advice, at model ng iyong motorsiklo, importanteng malaman mo ang mga motorcycles na aming tinatanggap dito sa Angkas bago ka mapabilang sa aming mga riders.
2016 at pataas na motorcycle year model ang maaari mong gamitin bilang Angkas rider:
Honda
TMX
TMX 125
TMX 150 (Supremo)
Wave 110
Wave 125
CB 125
CB 110
CB 150R
Wave Dash 110
Beat 110
Click 125
Click 150
RS 125
RS 150
XRM 125
ZOOMER X
SCOOPY
PCX
ADV
AIRBLADE
SUPRA GT 150
DIO 110
Not Allowed: CBR 150, XR 150/125
Yamaha
FINO FI
FZ 150
SZ 16
MIO 125
MXI 125
SIGHT
AEROX
MIO SOUL 115
MIO SOUL 125
MIO SPORTY
NMAX
SNIPER 135
SNIPER 150
STX 150
VEGA FORCE FI
YTX 125
MIO GEAR
MIO GRAVIS
XSR 115
Not Allowed: MT-15, R15, XTZ 125
Kawasaki
BOXER 150
CT 125
CT 100
ROUSER 135
ROUSER 150
ROUSER 180
NS 160
NS 200
BARAKO 175
FURY 125
Kymco
AGILITY 125
KARGADOR 150
KTR 125
LIKE 200
LIKE 125
RACING KING 180
SUPER 8 125
SUPER 8 150
SUPER Z 125
VISA R 110
KRV180
Suzuki
ADDRESS
AX 4
GIXXER 150
GD 110
NEX 115
HAYATE 115
SHOOTER 115
SKYDRIVE 115
SKYRDIVE 125
SMASH 110
SMASH 115
RAIDER J115
RAIDER 125
RAIDER 150
SHOGUN 125
SKYDRIVE-CROSSOVER
RAIDER J-CROSSOVER
BURGMAN-STREET
Not Allowed: GSX-S/R
Euro Motor
SPORT R
OMEGA 125
E1R
DAANG HARI 125
DAANG HARI 150
DAANG HARI 175
X125
RACING 125
CS110
SIP 125
KEE 125
RCS 125
HYPER BRUSCO 175
RKS 150
BRUSCO 125
PESARO 125
BONUS 110
BONUS X
VPERMAN 150
CAFE RACER
RAPIDO 110
SYM
BONUS X
JET 125
JOYRIDE 200
WOLF 125
CRUISYM150
K-BLADE 125
TVS
DASS 125
NEO 110
APACHE150
ROCKZ
NTORQ125
UM
RENEGADE 150
Vespa
VESPA MOTORCYCLES BELOW 200CC
Sundin Ang Speed Limit
Bilang isang Angkas rider, ugaliing sunduin ang speed limit upang mapanatili ang ligtas na byahe kasama ang iyong pasahero. Ito’y importanteng sundin upang hindi tuluyang maapektuhan ng karagdagang timbang ng iyong pasahero ang motorsiklo sa kahabaan ng byahe. Siguruhin din na mas doblehin mo ang iyong pag-iingat tuwing hindi maganda ang panahon lalo na kapag umuulan at kumikidlat, o kung maputik o lubak ang daanan.
Basta, ha? Sundin ang speed limit. Huwag siya!
Key Takeaway
Sa gitna ng kalsada, importante ang ligtas na byahe at masayang riding experience. Sa blog na ito, ating pinag-usapan ang mga safety tips sa byahe kasama ang motorcycle passenger upang makaiwas sa anumang sakuna o aksidente.
Kung ikaw ay isa sa aming mga Angkas rider, ang blog na ito’y makakatulong para mas makabyahe ka nang maayos at kumita nang malaki. Sa mga nagbabalak namang mag-apply, ang nilalaman ng blog na ito ay ilan lamang sa mga importanteng dapat mong malaman dito sa Angkas — ang nangungunang ride hailing app in the Philippines!
Kung ikaw ay may iba pang katanungan, maari kang mag-iwan ng mensahe sa Angkas dito!